Elections & Media
Breaking
RAPPLER, PGMN, TOTOONG NEWS MEDIA O BAYARANG MEDIA?
Nananawagan ang iba't ibang sektor ngayon sa Pilipinas para gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino laban sa talamak na pagmamanipula at pagpapalabas ng mga fake...
Nananawagan ang iba't ibang sektor ngayon sa Pilipinas para gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino laban sa talamak na pagmamanipula at pagpapalabas ng mga fake news ng Rappler at PGMN.
Halata naman, ang anggulo ng mga inilalabas nilang balita, slanted! Hindi balanse, hindi fair. Bias!
Ginagamit lang nila ang mga platform nila sa “pamamahayag” para sa pansariling pakinabang ng kanilang mga kliyente.
Ayon sa mga kritiko, bagama't magkaiba ang estilo ng Rappler at PGMN sa pagpapakalat ng impormasyon, iisa lang ang kanilang layunin—ang magsilbi sa interes ng kanilang mga political patron kapalit ng malalaking pondo.
“Kailan pa magigising ang mga Pilipino para itigil ang pag-asa sa mga online media outlet na pinopondohan ng mga hindi kilalang dayuhang entity at kumikita sa pamamagitan ng pagmamanipula ng balita?” Tanong ng mga netizen.
Matagal nang binabatikos ang Rappler ng mga kritiko nito dahil sa alegasyon ng pagtanggap ng dayuhang pondo na labag sa Konstitusyon.
Habang ang PGMN naman ay nasalang sa matinding kontrobersya matapos maaresto ang founder nitong si Franco Mabanta noong Mayo 2026 dahil sa kaso ng extortion o pangingikil nila kay Cong. Martin Romualdez.
Isa itong matibay na ebidensya na itong PGMN ay nagbabalatkayo lamang bilang mga mamamahayag gamit ang titulong “online news media” para mangikil at ikasa ang kanilang mapanirang "black PR."
Iginiit ng iba’t ibang mga sektor na ang ganitong kalakaran sa media ay nagdudulot ng matinding pagkabahala sa integridad ng impormasyon sa bansa, kaya't nananawagan sila sa publiko na maging mapanuri at huwag magpalinlang sa mga balitang gawa-gawa lamang para sa pampulitikang pakinabang.